Monday, May 18, 2009



Marami akong namiss na activities kasama ang metrobikers mula ng ako ay mahulog sa hagdan, for 1 week nanahimik ako sa bahay perogumawa ako ng paraan para di naman ako manghina ng tuluyan sa katunayan nakatakbo pa ako sa Step Up for A cause. Pero dahil dipa nawawala ang pamamaga ng ankle ko tinigilan ko muna ang pagiging adik.
sinubukan kong magcrosstrain ng swimming at pool running pero mahirap pala lalo na kung hindi scientific napansin na nga ako ng lifeguard sa jojima resort si mang rene at nagvolunteer na tuturuan nya ako, pero after ilang session di na rin ako nakabalik dahil nakakatakbo na ako ulit hehehe. Hindi lang talaga pwedeng i bike lalo na kung nakacycling shoes dahil masakit pa talaga pag a unclip sa pedal. Pero malaki ang naitulong ng pool running sa rehab ng ankle ko. Kahit di ako nakakatakbo at nakakapagbike pwede pa rin ako magbuhat para di mawala sa kundisyon.

No comments:

Post a Comment